Aralin Panlipunan ang naging subject ng pagtuturo ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa isang section ng mga Grade 5 pupils ng Apolonio Samson Elementary School sa Quezon City.
Sa power-point presentation ni Roxas, isa-isang pinahulaan ang mga dakilang bayani ng bansa sa mga estudyante.
Itinuro din ni Roxas ang kahalagahan ng demokrasya na ipinaglaban noong EDSA revolution laban sa diktador na rehimeng Marcos.
Malakas ang buhos ng ulan pero mainit sa loob dahil na rin sa mga media at mga guro pati mga opisyal ng barangay na sumasaksi sa pagtuturo ni Roxas.
Samantala, ayon naman sa mga guro, ikalawa sa lower section ang ibinigay na mga estudyante sa dating Kalihim ng DILG.
Ito raw ang kanilang pinili para maranasan ni Roxas ang hirap ng pagtuturo.
Pansamantalang humalili si Roxas kay Teacher Ally Ty ng Teach for the Philippine Foundation na grupo ng mga volunteer teachers.