Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong umaasa na matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi man lahat, karamihan sa mga ipinangako sa nagdaang eleksyon.
Sa 3rd quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 35 porsyento ang mga naniniwalang Pilipino na matutupad ang mga sinabing pangako sa bayan kung saan kabilang ang walong porsyentong bumoto ng “all or nearly all” at 27 porsyento na karamihan sa kaniyang mga pangako.
15 porsyento naman sa resulta ang sumagot ng “a few” habang anim na porsyento ang “none or almost none.”
Bumaba ito ng 17 porsyento mula sa naitalang 52 porsyento noong March 2017.
Gayunman, lumabas na naman na 67 porsyento ang “satisfied” o kontento sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon ngayon.
19 porsyento ang bumoto ng “dissatisfied” o hindi kuntento at 14 porsyento naman ang “undecided.”
Isinagawa sa 1,500 respondents ang naturang survey mula September 23 hanggang 27.