Yemen, nagpakawala ng ballistic missile patungong Saudi Arabia

AP PHOTO

Nagpakawala ng ballistic missile ang Houthi rebels mula sa Yemen patungo sa isang sa major international airport ng Saudi Arabia.

Kinumpirma ng ilang Houthi owned media outlets, kabilang na ang Al-Masira at SABA ang paglulunsad ng naturang bomba.

Pero nagawang pigilan ng Saudi air defense forces ang nasabing missile sa pamamagitan ng pag-asinta dito habang nasa papawirin.

Bumagsak naman ang ilang piraso mula sa missile sa isang hilagang bahagi ng Riyadh.

Ayon sa Civil Aviation Authority ng Saudi Arabia, wala naman pinsalang idinulot ang nasabing missile sa King Khalid International Airport at hindi rin naapektuhan ang mga biyahe dito.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpakawala ang Houthi rebels ng missile malapit sa mataong lugar.

Posibleng ito din ang pinakamalayong missile na inilunsad ng grupo dahil umabot pa ito sa loob ng sa border ng Saudi Arabia sa Yemen.

Kinondena naman ng Saudi military ang nasabing pag-atake na ayon sa kanilang pahayag ay isang ‘indiscriminate firing’.

Read more...