Sen. Sonny Angara hindi pa rin susuko na maibaba ang singil sa buwis

sonny-angara
Inquirer file photo

“No Retreat”

Ito ang naging pahayag ni Senador Sonny Angara kahit tahasan na ang pagtutol ni Pangulong Benigno Aquino III sa panukalang ibaba ang income tax rate sa bansa mula sa 32 percent at gawing 27 percent na lamang.

“I am an optimist. I believe in the better angels of our nature. I think that even those who are skeptical would come around and join our cause. I am still hopeful. Ang rekomendasyon nila noon sa Pangulo, i-veto ang pagpapataas ng exemption sa bonus. But still, the President signed it” pahayag ni Angara.

Ayon sa Chairman ng Senate Ways and Means Committee, tuloy pa rin ang kanyang pangungumbinsi sa pangulo dahil sa paniwala niya, ito ang tamang paraan para masuklian ang hirap ng mga manggagawa.

“Ituloy natin ang pangungumbinsi. Kung naniniwala tayo na tama tayo, bakit tayo hihinto? We will be resolute in our advocacy but respectful. Ang kinatatakutan ko talaga ay hindi siya binibigyan ng tamang impormasyon ng kanyang mga economic managers” ani Angara.

Pinawi pa ni Angara ang pangamba ng Economic Managers ng pangulo at iginiit na walang epekto sa credit ratings ng bansa ang pagpapababa sa income tax rate.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang nasa ikalawang puwesto sa mga bansa sa Asya na may pinakamataas na sinisingil sa individual income tax rate.

Nangunguna sa listahan ang Thailand at Vietnam na may 35 percent habang ang Pilipinas ay nasa 32 percent.

Read more...