Lumalabas na sa tatlong araw kada linggo na sesyon ng KAMARA, ang average attendance ay 224 o 70 miyembro o nasa 24 porsyento ang lumiban base sa “Journals of Proceedings” ng secretariat.
Mas mataas ang naitalang average attendance sa quorum na 148 sa kabuuang 294-member na kapulungan.
Matatandaang kapag hindi sapat ang bilang ng attendance para sa quorum ay hindi matutuloy ang sesyon ng Kongreso para sa partikular na araw.
Naghihintay ang presiding officers ng Kongreso ng halos isang oras na makumpleto ang mga kongresista bago magtawag ng roll call eksakto alas-kwatro ng hapon.
Simula July 24, walang isang araw na hindi sumapat ang bilang ng mga kongresista para ideklara ang quorum.
Ayon sa record, naitala ang pinakamataas na attendance na 264 nang simulan ang second regular session noong July 24 na mismong araw din na inihatid ni Pangulong Duterte ang kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA.
Samantala, naitala naman ang pinakamababang attendance noong September 8, araw ng Biyernes kung saan tinalakay ng Kongreso ang panukalang 3.8 trilyong pisong pambansang budget.