Sa kalalabas lamang na 2016 Annual Financial Report para sa Government-Owned and -Controlled Corporations (GOCCs), partikular rin na tinawag ng COA ang atensyon ng National Electrification Administration (NEA) dahil hindi nito nagawa ang lahat para makolekta ang P279.45 milyon mula sa mga electric cooperatives.
Ayon sa COA, mayroon pa ring hawak na pondo ang mga electric cooperatives na maaari sanang gamitin para ma-rehabilitate ang mga power lines at maibalik ang kuryente sa mga naapektuhang lugar ng bagyong Yolanda.
Dagdag pa sa report na inilabas ng COA, mayroong mga kwestyunableng disbursements kagaya ng ibinayad na honoraria para sa Task Force Kapatid, ilang undocumented project expenses, maging mga ipinasweldo sa mga empleyado nito.
Samantala, kinwestyon rin ng COA ang mga iregularidad at ilang paglabag ng PCA sa procurement law. Kabilang dito ang malakihang kontrata at pagbili ng mga kakailanganing gamit sa ilalim ng kwestyunableng emergency mode.
Sa loob pa rin ng naturang report ay napansin ng COA ang sumusunod:
– kwestyunableng P38 bilyong Joint Venture Security Agreements sa pagitan ng government-run APO Production Unit at privately owned company na United Graphic Expression Corporation para sa paggawa ng e-passports sa loob ng sampung taon
– pagkabalam ng 82 irrigation projects ng National Irriagation Administration (NIA) na nagkakahalaga ng P4.53 bilyon
– maling paggamit ng P36 milyong pondo ng Bases Conversion Development Authority para bigyan ng tulong ang mga apektadong pamilya ng Clark Green City program
– patuloy na pagtaas ng insidente ng electronic Fraudulent scheme katulad ng ATM skimming sa mga Land Bank of the Philippines card holders
– hindi pagpapataw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ng performance cash deposit sa mga bingo operators na nagkaroon ng paglabag sa Gaming Site Regulatory manual.