Construction worker, patay sa pamamaril sa Bahay Toro, QC

Dead on the spot ang isang construction worker matapos itong pagbabarilin sa Road 23, Barangay Bahay Toro sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Nestor Mangahas, apatnaput dalawang taong gulang at residente ng Barangay Baesa.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, mayroon umanong katext ang biktima at nagpaalam sa kanyang asawa na lalabas ito para makipagkita sa isang hindi kinilalang tao.

Ilang saglit matapos umalis ang biktima sa kanilang bahay ay mayroong isang concerned citizen na tumawag sa mga pulis at kaanak ng biktima para ipagbigay alam na mayroon siyang nakitang riding in tandem na bumaril kay Mangahas.

Dalawang tama ng bala sa likod ang tinamo ng biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Base naman sa impormasyon mula sa cellphone ng biktima, isang Marlon ang huli nitong katext.

Patuloy pa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matunton ang mga salarin sa pamamaslang.

Read more...