Sa abisong inilabas ng kagawaran, nakasaad na inaasahang madaragdagan ng P0.90 kada litro ang gasolina, habang P0.65 naman sa kada litro ng diesel.
Para naman sa kerosene, P0.80 ang madadagdag na presyo nito kada litro.
Ayon sa DOE, naapektuhan ng international oil trading nitong nakalipas na linggo ang lokal na halaga ng produktong petrolyo sa bansa kaya mayroong paggalaw sa halaga ng mga ito.
Sa huling tala, naglalaro sa P30.40 hanggang P39.10 kada litro ang halaga ngayon ng diesel, habang P41.40 hanggang P51.50 naman kada litro ang presyo ng gasolina.
MOST READ
LATEST STORIES