Sumailalim sa surprise drug test ang mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa ikalawang command conference ng ahensya, isinumite ni PDEA Director General Aaron Aquino, regional directors, support service directors at ng iba pang opisyal ang kanilang urine samples para sa mandatory drug test.
Ayon kay Aquino, bahagi ito ng paglilinis ng kanilang hanay.
Ipinaliwanag ni Aquino na ipinapakita nito drug-free ang PDEA at isa itong ehemplo para sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Matatandaang ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PDEA ang kapangyarihan na pamunuan ang kampanya kontra sa iligal na droga mula Philippine National Police.
MOST READ
LATEST STORIES