Isa pang multi-billlion pesos na reclamation project sa Manila Bay ang binigyan ng go-signal ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Aprubado na ni Estrada ang 318-hectare na “Manila Waterfront City” project sa commercial district malapit sa baybayin ng Roxas Boulevard.
Ito na ang pang apat na reclamation project sa ilalim ng termino ni Estrada.
Kabilang sa itatayo sa nasabing site ay mga commercial at residential buildings, mga hotel at entertainment facilities, parks, medical centers, government offices, mga paaralan, at isang pier para sa mga international cruise ships.
Noong nakaraang Hunyo, lumagda rin si Estrada sa isang memorandum of understanding para sa isa na namang reclamation project – ang 419-hectare na “Horizon Manila” na pinakamalaki na ngayon sa Manila Bay at nagkakahalaga ng P100 Billion.
Magugunitang pilit na hinaranang ng ilang environmental groups ang nasabing plano dahil makakasira ito sa natural na daluyan ng tubig sa Manila Bay.