3 pulis, 2 guro nanggulo sa loob ng isang restoran sa Quezon

Arestado ang apat na pulis sa Lucena City, Quezon dahil sa paglabag sa gun ban at panggugulo sa isang restaurant.

Ayon kay Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng Lucena Police Station, pinaputok umano ni Police Officer 1 Jeriel Suarez ang kanyang service firearm sa Central Park Garden Cafe sa Barangay Ilayang Dupay dakong alas-3:00 ng umaga.

Inaresto rin sina PO1 Maynard Rana, PO1 Robert Quirrez, at PO2 Michelle Eyatid, at mga gurong sina Elmar Quirez at Jose Capuz.

Ayon kay Maclang, lasing ang mga suspek nang maganap ang kaguluhan.

Sasampahan ang mga ito ng kasong alarm and scandal, indiscriminate firing at paglabag sa gun ban.

Ipinatutupad ng Philippine National Police ang gun ban sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon hanggang November 15 bilang bahagi ng security measures para sa Association of Southeast Asian Nations Summit.

Read more...