Scholarship program inilaan para sa mga biktima ng gulo sa Marawi City

Radyo Inquirer

Bibigyan ng scholarship ng Pamahalaang Panlalawigan ng Lanao del Sur ang mga estudyanteng nakatira sa Marawi City.

Ayon kay Lanao del Sur Provincial Social Welfare Maharlanie Alonto, bibigyan ng cash assistance ang mga benepisyaryo.

Ito anya ay tatagal hanggang sa matapos ang termino ng kanilang gobernador.

Bago mabigyan ng scholarship kailangan muna ang mga itong makapasa sa pagsusulit na inihanda ng kapitolyo.

Sinabi ni Alonto na 1,600 ang kumuha ng exam sa Integrated Laboratory School sa Marawi City habang nasa 3,000 naman ang sa Iligan City.

Nagreklamo naman ang ilang mga hindi nakakuha ng pagsusulit gayundin ang kanilang mga magulang.

Sinabi ni Rocaira Mama na gabi pa lamang ay nasa Marawi na sila mula sa evacuation center sa bayan ng Malabang at inutang pa ang kanilang pamasahe.

Matapos namang makausap ang mga taga Provincial DSWD binigyan naman ng exam ang kanilang mga anak.

Para sa mga hindi nakakuha ng pagsusulitana ay sinabi ni Adiong ay posibleng bigyan ng panibagong exam matapos magpulong ang kanilang komite.

Read more...