Stand down order sa Mamasapano encounter dapat sagutin ng Pangulo ayon kay Napeñas

President Benigno S. Aquino III offers a moment of silent prayer before the remains of the fallen Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) Troopers during the Necrological Service at the NCRPO Multi-Purpose Center of Camp Bagong Diwa in Bicutan, Taguig City on Friday (January 30, 2015). (Photo by Marcelino Pascua / Malacañang Photo Bureau / PCOO)
Inquirer file photo

Nanatiling kuwestyunable ang isyu kung mayroon nga bang stand down order si Pangulong Benigno Aquino III noong kasagsagan ng Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force (SAF).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni dating SAF commander at retired Director Getulio Napeñas na malalaman lamang ang totoo tungkol sa stand down order kung masusuri ang cellphones ng lahat ng opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Napeñas na kung boluntaryo lamang sanang isinumite ang lahat ng cellphones para isailalim sa forensic examination, natugunan sana noon pa ang isyu. “yan ung remaining unanswered question, wherein sana makukuha iyan kung ang lahat ng mga cellphones ng mga army commanders at ng mga nakakataas pa ay voluntary or willingly isinubmit nila for forensic examination ng CIDG nung nagco-conduct ng investigation which is totally different sa akin at sa mga tauhan ko, voluntarily ibinigay ko ang cellphone ko for forensics,” ayon kay Napeñas.

Sinabi ni Napeñas na noong nagsagawa ng imbestigasyon ang Board of Inquiry (BOI) ay hiniling nilang isumite ang lahat ng cellphones para Makita ang nilalaman ng palitan ng mga text messages.

Maging sa imbestigasyon aniya ng House of Representatives ay hiniling din na isumite ang mga cellphones ng matataas na opisyal pero hindi ito nangyari. “yung BOI yung PNP, pinipilit nila na hingin ang mga cellphones pero hindi ibinigay, sa HOR again si Cong. Acop, pinropose na ibigay ang mga cellphone, until now hindi namin alam kung ang mga cellphones ng AFP at ibang nakakataas pa na opisyales ng gobyerno ay nagkaroon ng forensic exams sa kanilang cellpohone,”dagdag pa ni Napeñas.

Kasabay nito, sinabi ni Napeñas na hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabing ‘alternative truth’ o ‘alternative version’ ng Pangulong Aquino sa Mamasapano encounter.

Para kay Napeñas, iisa lang aniya ang katotohanan sa pangyayari, at bahala na ang taumbayan na humusga sa mga naririnig, nababasa at napapanood nilang sinasabi ni PNoy.

Read more...