“Alternative Mamasapano Truth”, ipinadedetalye kay Pangulong Aquino

SAF/JAN.29,2015 Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged "misencounter" with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of  Camp Bagong Diwa, Taguig. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Hinamon ni House Committee on National Defense and Security Chairman at Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon si Pangulong Benigno Aquino III na ibulgar na ang sinasabi nitong “alternative truth” sa Mamasapano encounter.

Ayon kay Biazon, na dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), marapat na ilahad ng pangulo ang pinalutang nitong alternative Mamasapano version dahil maaaring magka-apekto ito sa nagpapatuloy na debate sa Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region o BLBAR sa plenaryo.

Giit ng mambabatas, kailangan ding malaman ng kongreso ang bagong anggulo sa Mamasapano Incident upang mapag-aralan ito “in aid of legislation.”

Posible rin aniyang maging basehan ang alternative version sa Mamasapano encounter sa pagbalangkas ng mas katanggap-tanggap na BLBAR.

Higit sa lahat, ipinaalala ni Biazon kay Pangulong Aquino na bilang siya ang naglabas ukol sa alternative version, may tungkulin siya sa mga “Boss” na idetalye ang nalalaman nito sa kaso.

Ani Biazon, mahalaga ang tiwala sa patuloy na usapang pangkapayapaan, kaya dapat na maging tapat din si Presidente Aquino.

Inamin naman ni Biazon na isang malaking katanungan sa kanya kung bakit ngayon lang inilabas ni PNoy ang umano’y alternative Mamasapano truth, gayung magwa-walong buwan na mula nang maganap ang bakbakan na ikinasawi ng Special Action Force o SAF 44 para isagawa ang operasyon at pagpatay kay Marwan.

Read more...