Inanunsyo ni U.S President Donald Trump na magkakaroon ng extension ang kanyang pananatili sa bansa.
Si Trump ay nakaalis na sa White House para simulan ang kanyang 10-day Asian tour.
Unang pupuntahan ni Trump ang APEC Summit na gaganapin sa Vietnam kung saan ay sinasabing makakapulong rin niya si Russian President Vladimir Putin.
Ito ang kanilang ikawalang beses na pagkikita makaraan ang G22 Summit sa Hamburg.
Nakatakda ring pumunta si Trump sa Hawaii, japan, South Korea at China.
Sa Nobyembre 12 hanggang 14 ay nasa bansa ang U.S leader at dadalo siya sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.
Sinabi ng pamahalaan na nakakasa na ang seguridad para sa mga dadalong head of states sa nasabing event.
MOST READ
LATEST STORIES