DPWH nagpahiram ng mga sasakyan sa mga bakwit ng Marawi City

Photo: DPWH

Nag-deploy ng mga service vehicles ang Department of Public Works and Highways na magsasakay ng mga bakwit na babalik na ng Marawi City.

Umaabot sa 19 na sasakyan mula sa mga DPWH District Engineering Office sa Lanao del Norte at Misamis Oriental ang tumulong para maisakay ang 254 indibidwal papunta sa kanilang mga tahanan sa Brgy. Loksa Datu, Barrio Green at Tampilon sa nakalipas na tatlong araw.

Ilan sa mga pasahero ang nai-assign ng lokal na pamahalaan ng Marawi City sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang maisakay ang mga bakwit.

Magpapatuloy ang pagtulong ng DPWH hanggang sa makabalik na sa kanilang tahanan ang lahat ng mga bakwit sa Marawi City at iyong mga pansamantalang tumutuloy sa Iligan City at iba pang kalapit na lugar.

Base sa listahang ibinigay ng Marawi City LGU, aabot sa 4,724 na pamilya, o aabot sa 23,859 na indibidwal ang inaasahang babalik sa kanilang mga tahanan sa siyam na mga barangay ngayong araw.

Read more...