Mag-kapatid na narco-terrorists, naaresto sa Sarangani

Natimbog ng mga otoridad ang dalawang magkapatid na pinaniniwalaang mga lider ng isang local terrorist group na Al-Ansar Al-Khilafa sa Mindanao.

Nakilala ang magkapatid na sina Faroon Honjeras Lumatao, 35-anyos at si Alhotaibby Honjeras Lumatao, 36-anyos na kapwa naaresto sa kanilang hideout sa Maasin, Sarangani.

Ayon kay PDEA Soccsksargen Director Gil Cesario Castro, ang dalawang suspek ay protector din ng El Patron Drug Group na nagpapatakbo ng kanilang negosyo sa Mindanao.

Ang kanilang terrorist group ay isa sa mga jihadi groups sa bansa na nakipag-alyansa sa Islamic State.

Ayon kay Castro, nakumpiska ang aabot sa 440,000 libong halaga ng shabu, bank documents at mga pampasabog.

Nasamsam din ang isang black flag ng Islamic State sa isinagawang raid.

Nahaharap ang dalawa sa mga kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sa tulong ng mga sundalo mula sa Eastern Mindanao Command at regional police, pinaghahanap na rin ng PDEA ang sampu pang miyembro ng drug group na tumakas matapos maaresto ang kanilang mga lider.

Read more...