Pagbabayad ng PAL, ikinatuwa ng Palasyo

Ikinatuwa ng Malacañang ang naging hakbang ng Philippine Airlines na bayaran ang utang nito sa pamahalaan.

Sa pahayag ng Palasyo sa pamamagitan ng Presidential Spokesperson, inanunsyo nito na pormal nang nawakasan ang financial obligations ng airline company.

Ayon sa Palasyo, ang pagwawakas ng isyu na ito sa ilalim ng administrasyong Duterte ay sumasalamin sa solidong dedikasyon ng gobyerno na umaksyon sa mga bagay kung saan ang lubhang makikinabang ay ang bansa.

Iginiit din ng Malacañang na ang perang ipinambayad-utang ay gagamitin bilang pondo para sa mga programang prayoridad ng administrasyon.

Read more...