Proseso ng pag-review sa mga contraceptives, hindi mahahaluan ng pulitika – FDA

Tiniyak ng pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi mahahaluan ng pulitika ang kanilang gagawing recertification process sa 51 contraceptives.

Ayon kay FDA director general Nela Charade Puno, technical at scientific in nature ang review nila at ito ay naka angkla sa mga ebidensya at hindi sa hysteria.

Bago nito, sinabi ng mga opisyal ng Department of Health national implementation team for the Reproductive Health (RH) Law at ng Commission on Population (PopCom) na maglalabas na ng resolusyon ang FDA na nagpapatunay na ang contraceptive implant brands Implanon at Implanon NXT ay “non-abortifacients” o hindi makakapagdulot ng abortion.

Sinabi naman ni PopCom executive director Juan Antonio Perez na inaasahang matatapos ng FDA ang review process sa 51 contraceptives kasama na ang 2 Implanon brands sa lalong madaling panahon.

Sakaling sertipikahan ng FDA ang Implanon at Impalanon NXT bilang non-abortifacients, inaashang ang 2 taon nang Temporary Restraining Order na nagresulta sa gradual phase out ng mga contraceptives ay mali-lift na ng Supreme Court.

Samantala, bumwelta naman si Puno sa mga kritiko na kumukwestyon sa kredibilidad ng FDA.

Anya, walang basehan ang mga batikos sa kanila dahil ang ilalabas nilang desisyon ay masusing pinag-aralan at para sa mas nakakaraming mamamayan.

Read more...