Ayon kay Col. Harold Cabunoc ng Philippine Army 33rd Infantry Battalion, nauna nang sumuko ang grupo nina Kumander Ka Jimboy at Ka Bobby, kasama ang anim nilang mga kasamahan noogn Huwebes.
Pero kahapon ay mayroon pang panibagong grupo mula naman sa Platoon Cloudfone ng NPA ang sumuko sa mga militar.
Sa pagsuko ng mga rebelde, ibinigay na rin nila sa mga otoridad ang dalawang M-16 rifles at improvised explosive devices (IEDs).
Ikinalugod naman ni Cabunoc ang pagsuko ng mga rebelde at pagde-desisyon nilang bumalik na sa normal na pamumuhay.
Ibinahagi aniya din sa kanila ng mga rebelde ang kanilang mga naging karanasan, at kung ano ang mga hinaing nila kaya sila napunta sa panig ng mga komunista.
Tiniyak ni Cabunoc na ipaparating niya sa mga tamang ahensya ng gobyerno ang mga hinaing ng mga sumukong rebelde para masolusyunan.
Kabilang dito ang agawan sa lupa, kakulangan ng trabaho at tulong mula sa gobyerno.