Babaeng recruiter ng ISIS at Maute, itinangging may partisipasyon sa Marawi siege

Kuha ni Marianne Bermudez

Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kasong rebellion o inciting rebellion na isinampa ng National Bureau of Investigation Counter Terrorism Division laban sa isang babaeng recruiter umano ng teroristang ISIS at Maute Group sa Marawi City.

Hindi naman nagsumite ng counter affidavit ang suspek na si Karen Aizha Hamidon sa pagharap nito kay Senior Assistant Prosecutor Peter Ong.

Wala ring kasamang abogado si Hamidon sa pagharap nito sa DOJ.

Si Hamidon ay nang-rercuit umano ng Maute sa pamamagitan ng social media.

Pero ayon kay Hamidon walang katotohanan ang mga akusasyon laban sa kanya at hindi siya nagpapakalat ng radical Islamic propaganda.

Kuha ni Marianne Bermudez

Wala rin aniyang katotohanan na nanghikayat siya ng mga dayuhang Muslim na makiisa sa giyera sa Marawi at labanan ang tropa ng militar.

Hindi naman itinanggi ni Hamidon na dati siyang naging asawa ng napatay na terorista na si Mohammad Jaafar Maguid, na kilala bilang alyas Tokboy at Abu Sharifa, na dating lider ng Ansar Khalifa Philippines na responsable sa madugong Davao City bombing noong September 2016.

Hindi rin itinanggi ni Hamidon na naging asawa rin siya ni Muhammad Shamin Mohammed Sidek, na isang Singaporean na nakakulong at may koneksyon sa teroristang ISIS.

Nabatid ng NBI nang maaresto si Hamidon noong October 11 nag-post pa si ito sa social media application Telegram na humihiling sa mga lokal ay dayuhang muslim na tulungan ang Maute fighters.

Sa November 10 nakatakdang maghain ng counter agfidavit si Hamidon.

Read more...