WATCH: Cellphone snatcher, kinuyog ng taumbayan sa Quezon City

Bugbog-sarado ang isang snatcher matapos kuyugin ng taumbayan dahil sa pagnanakaw ng cellphone sa isang menor-de-edad sa kanto ng Road 2 at Road 5, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Kinilala ang suspect na si Anas Abdala, mula Antipolo, Rizal.

Ayon sa 15-anyos na biktima, nagfe-Facebook siya habang naglalakad kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang hinablot ng suspect ang kanyang cellphone.

Dito na nagsisisigaw ang bata, at nakuha ang atensyon ng mga tao.

Narito ang report mula kay Justinne Punsalang:

Read more...