WATCH: Mga miyembro ng Coast Guard na nagbantay sa Marawi, nakauwi na sa kanilang pamilya

Nakauwi na ang mahigit 100 miyembro ng Philippine Coast Guard na limang buwang nakipaglaban sa Marawi City.

Ilan sa mga umuwing miyembro ng Coast Guard ay ginawaran ng spot promotion, o one rank higher.

Ayon kay Lt. Edwin Tolentino, lider ng Coast Guard sa Marawi, hindi biro ang kanilang naging partisipasyon sa Marawi siege dahil sila ang nagbantay sa Lake Lanao kung saan ipinapasok ng mga terorista ang supply ng bala, baril, pagkain, at iba pang kagamitan.

Dalawang linggo lamang magpapahinga ang mga tauhan ng PCG, at agad rin silang ibabalik sa Marawi dahil magtatayo ng permanenteng istasyon doon ang tanod baybayin ng Pilipinas.

Narito ang report ni Chona Yu:

Read more...