Sa preliminary investigation, hindi na nagsumite ng counter-affidavit ang suspect na si Karen Aizha
Hamidon at wala rin itong kasamang abogado nang magpunta sa DOJ.
Itinanggi rin ni Hamidon ang akusasyon na recruiter siya ng terorista at nagpapakalat umano ng radical Islamic propaganda.
Inamin naman ni Hamidon na dati siyang naging asawa ng napatay na teroristang si Mohammad Jaafar Maguid, alyas “Tokboy” at “Abu Sharifa” na dating lider ng Khalifa Philippines at nasa likod ng madugong Davao City bombing noong September 2016.
Aminado rin si Hamidon na na naging asawa rin siya ni Muhammad Shamin Mohammed Sidek na isang Singaporean na may koneksyon sa ISIS.
Narito ang report ni Chona Yu: