6,500 pamilya, nakauwi na sa Marawi City – DSWD

Nakauwi na sa kani-kanilang bahay sa siyam na barangay sa Marawi City ang aabot sa 6,469 na pamilya.

Ang naturang datos ay galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasabay nito, patuloy ang ginagawang monitoring ng DSWD sa pagbabalik ng mga tinaguriang ‘internally displaced persons’ o IDPs na lumikas ng limang buwan dahil sa nangyaring digmaan.

Pinangungunahan ng kagawaran ang recovery phase para sa rehabilitasyon ng lungsod, kasama na ang pagbibigay ng basic social services.

Nabatid na ang bawat pamilya na nakauwi na ay pinabaunan ng tig-isang sakong bigas at pagkain na tatagal ng tatlong linggo.

Read more...