Imbestigasyon sa anomalya sa malampaya funds suportado ni Sen. Gatchalian

Suportado ni Senator Sherwin Gatchalian ang panawagan ng Commission on Audit na imbestigahan ang umano’y maanomalyang paggamit ng Malampaya funds noong 2004 at 2012.

Ayon kay Gatchalian, matagal na niyang hinihintay ang imbestigasyon sa naturang kontrobersya.

Kinuwestiyon rin ng senador ang umano’y mga discrepanicies sa koleksyon at disbursement sa naturang pondo sa nakaraang pagdinig sa budget hearing.

Paliwanag ni Gatchalian, nasayang ang pondo para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa kinabukasan ng bansa dahil lang sa mga tiwaling opisyal na dapat mapanagot sa batas.

Read more...