No sail zone, ipatutupad sa Manila Bay

Magpapatupad ng ‘no sail zone’ sa Manila Bay ang pamahalaan simula November 5, araw ng Linggo.

Ayon kay DILG OIC Catalino Cuy, ito’y bilang paghahanda na rin sa gagaping ASEAN Summit 2017 dito sa Pilipinas.

Ipagbabawal ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat mula November 5 hanggang November 16.

Partikular na ipatutupad ang ‘no sail zone’ malapit sa H20 Hotel, Manila, hanggang sa Okada Hotel sa New Seaside Drive, Paranaque City.
Ayon kay Cuy, magpapatupad rin ng “maximum maritime security’ sa baybaying dagat upang matiyak ang seguridad ng mga delegado sa ASEAN Summit.

Read more...