Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ito ay dahil sa wala nang red tide toxins sa naturang lugar.
Gayunman, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish sa Irong-Irong Bay, Maqueda Bay, Villareal Bay at ang coastal waters sa Daram Island sa Western Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Carigara Bay sa Leyte, Inner Malampaya Sound, Taytay at Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan at coastal waters sa Mandaon sa Masbate
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain sa mga shellfish lalo na ang alamang.
Gayunman maari namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at ang crabs basta’t siguraduhin lamang na sariwa, hinagusan ng mabuti, tinanggal ang hasang at maayos ang pagkakaluto.