Binangungot na inmate ng Quezon City Jail, idineklarang patay

Patay na ang isang inmate ng Quezon City Jail matapos itong bangungutin kaninang madaling araw.

Kinilala ang inmate na si Edmundo Domondon na miyembro ng Bahala na Gang.

Ayon sa mayor ng Bahala na Gang, ginising siya ng isa sa mga miyembro ng kanilang grupo para sabihin na binabangungot si Domondon. Agad silang kumilos para sabihin ito sa mga pulis na bantay sa kulungan at sa kanilang pagmamadali ay hindi nila sinasadyang nasagi at natapon ang lamang tubig ng isang balde sa mga natutulog na miyembro ng Batang City Jail.

Ito ang naging mitsa ng riot na naganap sa loob ng City Jail dahil sa pag-aakala ng Batang City Jail group na sinadya ang pagtatapon ng tubig.

Samantala, dalawa naman ang sugatan dahil sa kaguluhan. Isa dito ang miyembro ng Bahala na Gang, habang ang isa naman ay ang nadamay lamang na miyembro ng Sputnik Gang.

Read more...