Riot sa loob ng Quezon City Jail, humupa na… natapong tubig, pinagmulan ng gulo

Nagsagawa ng clearing operations ang mga otoidad maging ang ilang mga inmates ng Quezon City Jail matapos ang halos isang oras na gulo sa loob ng piitan.

Ayon kay Jail Superintendent Ermilito Moral, bandang 4:00 ng umaga ng Biyernes nagsimula ang gulo nang aksidenteng matapunan ng tubig ng mga miyembro ng Bahala na Gang ang natutulog na miyembro ng Batang City Jail. Inakala umano ng mga miyembro ng Batang City Jail na sadya ang insidente, dahilan para magsimula ang gulo.

Ayon naman sa mayor ng Bahala na Gang, binangungot kasi ang isa sa kanilang miyembro kaya nagmamadali nilang idinulog ito sa mga bantay ng kulungan. Hindi na umano nila napansin na natabig pala ang isang balde ng tubig.

Ayon naman kay Superintendent Chridtian Dela Cruz ng QCPD Station 10, narinig nila ang gulo dahil katalikuran lang ng kanilang himpilan ang city jail. Kaagad silang tumakbo sa lugar, kasama ang mga SWAT.

Samantala, namatay na ang inmate na sinasabing binangungot kaninang umaga.

Payapa na ang loob ng Quezon City Jail at nagkaayos na ang dalawang gang.

 

WATCH:

Read more...