Masusing pinag-aralan ng research firm ang LTE connectivity sa iba’t ibang bahagi ng mundo mula July 1 hanggang October 1 ngayong taon.
Ang LTE ay isang 4G o 4th generation mobile type ng teknolohiya na naghahatid ng pinakamabilis na mobile internet experience at mas mabilis ng sampung beses sa nauna nang 3G.
Sa aspeto ng 4G availability, lumalabas sa pag-aaral ng OpenSignal na pang 69 sa kabuuang bilang na 77 ang Pilipinas.
Samantala, pang-74 naman ang bansa sa bilis ng LTE connection na may average speed lamang na 8.24 megabytes per second.
Nangunguna naman ang South Korea sa talaan ng availability ng LTE na may 96.69 percent na sinundan ng Japan na may 94.11 percent.
Mababa sa global average ang 4G LTE speed ng Pilipinas ngunit naungusan nito ang Saudi Arabia, India at Costa Rica.