Ayon kay Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner, tumalon ang nasabing suspek sa isang kanal malapit sa Grand Mosque.
Kwento pa ni Brawner, nakita ng isang mamamahayag ang isang tao, nasa sampung metro ang layo mula sa kanilang kinaroroonan.
Dahil dito, pinaputukan aniya ng tatlong mga sundalo ang nasabing suspek.
Gayunman, nagawa aniya nitong makapagtago sa isang hinihinalang tunnel.
Wala pa namang ulat kung nahuli na ba ang hinihinalang straggler mula sa Maute Group o nananatili pa rin ito sa kaniyang tinataguan.
MOST READ
LATEST STORIES