Ang Metro Manila na host ng pagtitipon sa Nobyembre ay inaasahang malubhang maaapektuhan ng mga aktibidad na may kinalaman dito.
Sa isang pahayag na inilabas ng kagawaran, hinihimok ni Cuy ang publiko na magbakasyon at gamitin ang oras upang makasama ang mga mahal sa buhay sa mga idineklarang holiday.
Matatandaang nauna nang idineklara ng Metro Manila Council ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Metro Manila sa November 16-17.
Sinundan naman ito ng deklarasyon ng Malacañang na ginawang special non-working days ang November 13-15 sa Metro Manila, Pampanga at Bulacan.
Nag-abiso na rin ang mga opisyal sa mga motorist at mga commuter na iwasang dumaan sa mga lugar na isasailalim sa lockdown simula November 8.