Kamot-ulo ang mga security personnel ng Geneva airport at maging ang iba pang mga otoridad kung paano nakalusot sa kanilang mahigpit na security checks ang naturang bata.
Sa inisyal na imbestigasyon, sadya umanong humiwalay sa kanyang mga magulang ang batang babae upang maglayas sa main railway station ng Geneva.
Mula sa train station, nagawang makasakay ng tren ng pitong taong gulang na bata patungo sa paliparan.
Pagdating sa airport, nalusutan ng bata ang maraming security personnel sa pamamagitan ng paghalubilo sa mga pasahero at pagpapanggap na siya ay anak ng mga ito.
Nagawa nitong makapasok hanggang sa eroplano ng EasyJet airlines na lilipad sana patungong Ajaccio, France.
Gayunman, habang nakaupo na sa loob ng eroplano, napansin na ito ng isang flight crew na siyang umalerto sa mga otoridad.
Matapos ang insidente, agad na ipinatawag sa isang meeting ang lahat ng mga airport security personnel upang ayusin ang kanilang security checks sa mga pasaherong may kasamang mga bata.