Dakong 7:30 Huwebes ng umaga, namataan ng mga mangingisda sina Alejandro Escalona Jr., Rey Etrata at Bryan Cuaresma na nakakapit sa kanilang tumaob na bangka sa West Philippine Sea.
Kahapon, sinagip din ng cargo ship na Kerrisdale sina Nilo Etrata, Norlex Bragado at Jun Collo.
Ito ay matapos silang mamataan na winawagayway ang kanilang mga damit sa karagatang bahagi ng Cabugao.
Ayon kay PO3 Dennis Pascua, imbestigador ng Cabugao police, pumalaot ang mga biktima mula sa Barangay Gabao sa bayan ng Santiago sakay ang dalawang bangka dakong 5:00 ng umaga nang Lunes.
Bigo silang bumalik nang tanghali matapos salubingin ng maalon na dagat, at pumalaot pa-hilaga.
Sinabi ni Pascua na paulit-ulit silang nagpapaalala na huwag pumalaot sa tuwing may gale warning na nakataas, ngunit hindi sumunod ang mga biktima.
Noong Lunes, naglabas ng gale warning ang PAGASA sa hilagang Luzon at pinayuhan ang mga bangka na huwag nang pumalaot.