Roque: Tiyak na mai-inlove ang mga kababaihan sa aking deputy spokesman

Radyo Inquirer

Millenial, gwapo at bata.

Ito ang mga kwalipikasyon ni Presidential Spokesman Harry Roque na kanyang magiging deputy spokesman.

Paliwanag ni Roque, kaya siya kukuha ng isang millenial at mas gwapo sa kanya dahil gusto niyang mai-connect si Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay 72-anyos na sa mga mas nakababatang Pinoy.

Kapag nakita na aniya ng publiko lalo na ng mga kababaihan ay tiyak na mai-inlove ang mga ito sa kanyang deputy spokesman.

Gayunman, hindi na muna tinukoy ni Roque ang pangalan ng kanyang magiging deputy spokesman dahil ayaw niya itong magulo lalo’t kumukuha ito ngayon ng bar exams.

Sinabi pa ni Roque na ang kanyang magiging deputy spokesman ay dati niyang estudyante sa University of the Philippines College of Law.

Read more...