Konsehal ng Jolo, Sulu na dinukot ng Abu Sayyaf pinalaya na

Radyo Inquirer

Pinalaya ng Abu Sayyaf group ang konsehal ng Jolo, Sulu na kanilang dinukot noong buwan ng Setyembre.

Ayon kay Brig. General Cirilito Sobejana, pinuno ng Joint Task Force Sulu, pinakawalan ng bandidong grupo si Jolo City Councilor Zed Tan noong November 1.

Aniya, dakong 9:29 ng gabi nang palayain ito sa Barangay Buru sa Talipao.

Sumailalim na sa medical examincation si Tan sa Camp Bautista Station Hospital sa Busbus, Jolo.

Maliban sa mga kagat ng lamok na kanyang tinamo, nasa maayos na kalagayan si Tan.

Ayon kay Sobejana, isinailalim din sa debriefing si Tan at kasama na ang kanyang pamilya.

Si Tan ay dinukot ng Abu Sayyaf group noong Spetember 27 sa Barangay Timbangan sa Indanan.

Ang dinukot na opisyal ay pamangkin ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan.

Read more...