Patay ang kanang kamay ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at isa pa matapos makasagupa ng militar sa main battle area ng Marawi City.
Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr, deputy commander ng Joint Task Force Ranao, nakilala ang nasawi na si Abu Talja.
Sinabi ni Brawner na kung hindi napatay si Talja posibleng ito ang sunod na mamuno sa Maute dito sa Marawi City. C
Dalawang sundalo naman ang nasugatan sa sagupaan na kaagad isinugod sa ospital at ngaon ay nasa maayos ng kondisyon.
Matapos, iproseso ng SOCO ang mga bangkay kaagad din ang mga itong inilibing sa Makbara Cemetery.
Malaking bagay naman para kay Brawner ang pagkakapatay sa dalawa dahil nababawasan ang mga natitira pang Maute members sa lugar.
Samantala, sinabi ni Brawner na hindi naman makaka apekto sa pagbabalik ng mga residente sa kanilang mga bahay ang panibagong engkwentro.
Sa pagtungo naman ng grupo ni Brawner sa main battle area may isang hinihinalang miyembro ng Maute ang hinabol nila pero hindi ito nahuli.