Kinumpirma ng Social Security System (SSS) ang paglipat sa ibang gawain ng mga opisyal na sangkot sa kasong administratibo.
Sinabi ng ahensiya na ang re-assignment ng mga opisyal ay ipinatupad upang masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon ng pension fund.
Ayon pa sa administrasyon ng SSS, ang nasabing aksyon ay magbibigay-daan para sa patas at bukas na imbestigasyon ng kasalukuyang kasong administratibo.
Sinisiguro rin ng ahensiya na ipatutupad nito ang wastong proseso sa imbestigasyon.
Ang mga akusasyon na nakahain sa administrative complaint ay masusing iimbestigahan.
Gayundin, ang re-assignments ng mga opisyal ay ginawa upang matanggal ang mga suspisyon na maaaring ilihis ang kasalukuyang imbestigasyon.
Sinisiguro ng pamunuan ng SSS na may nakatalaga itong proseso para sa mga reklamong administratibo.
Ginagarantiyahan ng mga mekanismong ito na lahat ng partidong sangkot ay dadaan sa tamang proseso.
Idinidiin rin ng ahensya na ang Investment Reserve Fund, na mula sa kontribusyon ng mga miyembro at kita sa investment, ay buo, protektado at propesyonal na pinangangasiwaan.
Tinitiyak din ng pamunuan ng ahensya na walang pondo ng miyembro ang nagamit o nakompromiso sa nasabing isyu.
Nauna dito ay sinampahan ng kasong administratibo ni SSS Commissioner Jose Gabriel Laviña sina Executive Vice Preseident for Investments Rizaldy Capulong, Equities Investment Division Chief Reginald Candelaria, Equities Product Development Head Ernesto Francisco Jr. at Chief Actuary George Ongkeko Jr.
Nagsabwatan umano ang tatlo para kontrolin ang ilang ga mahahalagang proyekto sa loob ng SSS tulad ng pagtatago ng ilang mga detalye ng mga kumpanyang nakasalang sa initial public offering.