Patay ang dalawang miyembro ng Maute terror group makaraang maka-engkwentro ang mga tauhan ng militar sa main battle area ng Marawi City.
Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Joint Task Force Ranao, nagbabantay ang mga nasabing terorista ng maka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan.
Kaagad tumimbuwang ang dalawa matapos tamaan ng bala ng militar.
Wala namang napaulat na sugatan sa panig ng pamahalaan.
Nauna rito, sinabi ng naarestong Indonesian na miyembro ng Maute na mayroon pa silang mga kasamahan sa bahagi ng main battle area.
MOST READ
LATEST STORIES