Honeyley Avanceña at Kitty Duterte, nag-bonding sa Universal Studios sa Osaka, Japan

Photo: Kitty Duterte’s Instagram page

Habang abala si Pangulong Rodrigo Duterte sa official visit sa Japan, sinamantala naman ng mag-inang Honeylet Avanceña at Kitty ang mag-bonding sa isang kilalang theme park sa Osaka.

Base sa Instagram post ni Kitty, makikitang namasyal silang mag-ina sa Universal Studios.

Kahapon lamang ng bandang ala una ng hapon ipinost ni Kitty sa kanyang social media account ang mga litrato.

Nakalagay lamang sa caption ay “Osaka” at makikita ang background ng Universal Studios.

Makikita rin sa litrato ang twinnings o ang magkaparehong all black na suot ng mag-ina.

Pero bagama’t namasyal ang mag-ina sa Universal Studios, nakasama naman ng pangulo si Honeylet sa official function gaya ng pakikipagpulong kina Emperor Akihito at Empress Michiko.

Samantala, walang nakatakdang schedule ngayong araw ang pangulo pero kaninang alas onse ng umaga ay nagkaroon ng press briefing si incoming Presidential Spokesman Harry Roque.

Ito ang kanyang kauna-unahang press briefing sa Malacañang press corps.

Read more...