Dalawa katao ang nasawi habang isa ang nasugatan sa pamamaril sa loob ng Walmart store sa Denver, Colorado.
Sa isang Twitter post siyamnapung minuto makalipas ang pamamaril, kinumpirma ng pulisya na dalawang lalaki ang nasawi habang isang babae naman ang isinugod na sa ospital.
Pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang mga imbestigador tungkol sa insidente.
Ayon kay Officer Victor Avila ng Thornton Police Department, minomonitor pa nila ang sitwasyon at ang kundisyon ng mga tao sa paligid ng supermarket.
Sinabi din ni Avila na tumigil na ang pamamaril nang dumating sa lugar ang mga rumespondeng pulis.
Ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente at inaalam kung sino ang nasa likod at motibo ng pamamaril.
MOST READ
LATEST STORIES