Kinansela ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport ngayong araw, November 2, All Soul’s Day.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang apat na Cebu Pacific flights bunsod ng nararanasang sama ng panahon dulot ng Bagyong Ramil.
Ang apektadong biyahe ay ang mga sumusunod:
5J 504/505 Manila -Tuguegarao – Manila
5J 506/507 Manila -Tuguegarao – Manila
Samantala, batay sa abiso ng PAGASA, makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan sa Mindoro, Palawan, Batangas, Northern Quezon kasama ang Polilio Island at Aurora.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
MOST READ
LATEST STORIES