Beyonce, bibida sa remake ng ‘The Lion King’

Photo: Disney’s Twitter page

Inanunsiyo ng Disney na kabilang sa cast ng live-action remake ng “The Lion King” ang pop star na si Beyonce.

Sa kanilang Twitter page, isinapubliko ng Disney ang kumpletong cast ng star-studded movie.

Si Beyonce ang magiging boses ni Nala, na siyang love interest ng main characted na si Simba, na gagampanan naman ni Donald Glover.

Una nang iniulat ng ‘Variety’ na si Beyonce ang first choice ng director ng pelikula na si Jon Favreau.

Magbabalik naman si James Earl Jones bilang boses ni Mufasa, na una nang bumida noong 1994.

Bukod sa mga nabanggit na hollywood stars, nasa cast din ang British comedian at talk show host na si John Oliver bilang boses ng toucan na si Zazu, habang ang mga comedian na sina Billy Eichner at Seth Rogen ang gaganap sa funny duo nina Timon at Pumba.

Read more...