Ikatlong preso na tumakas sa Laguna provincial jail, sumuko sa otoridad

Photo: Rommel Palacol’s FB page

Sumuko sa mga otoridad sa Bulacan ang isa pang preso na tumakas sa Laguna provincial jail noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Rommel Palacol ng Laguna Action Center, naibalik na ang presong si Verjust Dizon sa piitan sa Sta. Cruz hatinggabi ng Miyerkules.

Sinabi naman ni Senior Insp. Gerry Sangalang, tagapagsalita ng Laguna police, na sumuko si Dizon sa Sta Maria, Bulacan, hapon ng Miyerkules.

Nasa jail visiting area aniya si Dizon habang hinihintay ang kanyang anak nang maganap ang komosyon noong Linggo.

Dahil dito, ginamit ni Dizon ang pagkakataon para makatakas kung saan napadpad naman siya sa Bocaue, Bulacan.

Si Dizon ay humaharap sa kasong may kinalaman sa droga.

Una nang nahuli ang dalawa sa anim na tumakas na preso na sina Rhandel Vale at Romel Macaraig sa Imus City, Cavite, umaga ng Martes.

Read more...