Mga bumibisita sa Manila South Cemetery, matumal na

Kuha ni Louie Ligon

Matumal na ang pagdating ng mga nais bumisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay sa Manila South Cemetery.

As of 7 am, 170 nalang ang bilang ng mga bumibisita sa naturang sementeryo.

Ayon kay Senior Insp. Izen Retorbar, inaasahan pa rin ang pagdagsa ng mga tao bunsod ng pagtigil ng ulan ngayong araw.

Tiniyak rin ng opisyal na walang untoward incidents na nangyari sa naturang sementeryo.

Pagdating naman sa mga ipinagbabawal na dalhing gamit, puro na lamang pakete ng sigarilyo at lighter ang nakukuha sa entrada ng libingan.

Samantala, nagsimula nang magsagawa ng clearing operations ang Department of Public Services ng pamahalaang lokal ng Maynila bandang alas singko ng umaga.

Nakahakot na ang DPS ng isang trak ng mga basura lulan ng mga styrofoam, plastic bags at paper plates.

Inaasahan pa ang pagdating ng karagdagang trak ng DPS at pagsisimula rin ng Metropolitan Manila Development Authority sa paglilinis sa bisinidad ng libingan.

Read more...