Bangkay ng babae, natagpuan sa isang kanal sa Zamboanga City

Nadiskubre ng mga residente ang bangkay ng isang babae sa isang kanal sa Barangay Sinuc-Sinuc, Zamboanga City.

Ayon sa ulat, punung-puno ng mga sugat ang mukha at katawan ng biktima nang matagpuan sa naturang barangay.

Lumabas naman sa inisyal na imbestigasyon na hindi residente ng Barangay Sinuc-Sinuc ang nasabing biktima.

Hinala ng mga otoridad, posibleng pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon ang katawan sa naturang kanal.

Nadiskubre din ang bakas ng gulong ng sasakyan malapit sa kanal kung saan natagpuan ang bangkay.

Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang insidente para mabatid ang pagkakakilanlan ng babae at ma-trace ang mga suspek.

Read more...