MRT, dalawang beses nagkaaberya ngayong umaga; mga pasahero, pinababa

MRT PHOTO

Dalawang beses nakaranas ng aberya ang MRT-3 ngayong umaga ng All Soul’s Day.

Kaninang 5:27 ng madaling araw, pinababa ang mga pasahero sa Ayala Station northbound dahil sa ATP o Automatic Train Protection failure.

Makalipas ang ilang oras, muli na naman nagkaaberya ang isang train ng MRT.

Hindi sumara ang pintuan ng train sa North Avenue Station southbound kaninang 8:10 ng umaga.

Dahil dito, muling pinababa ang mga pasahero.

Kahapon, tatlong beses nakaranas ng aberya ang MRT kahit pa wala naman masyadong pasahero dahil holiday.

Read more...