Davao Occidental at Occidental Mindoro, magkasunod na niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 223 kilometers Southeast ng Sarangani.

Naganap ang lindol na may tectonic ang origin at may lalim na 3 kilometers kaninang 7:00 ng umaga.

Samantala, makalipas ang tatlumpung minuto,

niyanig naman ang Paluan, Occidental Mindoro ng magnitude 3.1

Naitala ang pangalawang lindol sa 16 kilometers Northeast ng Paluan.

May lalim itong 14 kilometers at tectonic ang origin.

Wala naman inaasahang aftershocks o pinsala na idudulot ang dalawang lindol.

Read more...