Bagyong Ramil, napanatili ang lakas habang patungo sa West Philippine Sea

Napanatili ng bagyong Ramil ang lakas nito habang bumabagtas patungo sa West Philippine Sea.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 230 kilometers west ng Coron, Palawan.

Taglay nito ang hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 65 kph.

Inaasahang gagalaw ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kph.

Inalis na rin ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signals sa lahat ng lugar na una nang isinailalim dito.

Sa kabili nito, posibleng makaranas ng katamtaman at panaka-nakang pag-ulan ang Mindoro, Palawan, Batangas, Northern Quezon kabilang na ang Polillo Island, at Aurora.

Mahina naman hanggang sa katamtamang pag-ulan ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ramil mamayang gabi o bukas ng umaga.

Read more...